Kahit ’Di Mo Alam

Lyrics
[Verse 1] Ipikit mo man ang iyong mata 'Di pa rin naman mag-iiba Nabalutan ng poot ang puso mo Tila malimit kang ngumiti ngayon 'Di ka rin naman ganyan noon Naubusan ng tibok ang puso mo [Pre-Chorus] Kulang na ba ang mga ulap Sa langit at buwan? 'Di ka na babalik sa lilim ng ulan [Chorus] Sa bawat saglit handang masaktan Kahit 'di mo alam, subukang muli At pagbigyan ang ating nakaraan Kahit 'di mo na alam [Verse 2] Ipikit mo na ang 'yong mata Ang nakaraa'y limutin na Umaasang 'di ka na mawawala Sadyang mahirap lang ngumiti ngayon Minahal kita mula noon Ibalik na ang tibok ng puso mo [Pre-Chorus] Kulang na ba ang mga ulap Sa langit at buwan? 'Di ka na babalik sa lilim ng ulan [Chorus] Sa bawat saglit handang masaktan Kahit 'di mo alam, subukang muli At pagbigyan ang ating nakaraan Kahit 'di mo na alam [Bridge] Kahit 'di mo na alam Kahit 'di mo na... [Chorus] Sa bawat saglit handang masaktan Kahit 'di mo alam ('Di mo lang alam, 'di mo lang alam) Subukang muli At pagbigyan ang ating nakaraan Kahit 'di mo na alam [Outro] (Ipikit mo man ang iyong mata 'Di pa rin naman mag-iiba) Kahit 'di mo na alam (Nabalutan ng poot ang puso mo) Kahit 'di mo na alam (Ipikit mo na ang 'yong mata Ang nakaraa'y limutin na) Kahit 'di mo na (Umaasang 'di ka na mawawala) Kahit 'di mo na Kahit 'di mo na alam
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- December Avenue