Nag-Iisang Muli

Lyrics
[Verse 1] Kay lamig ng simoy ng hangin Mga talang yumayakap sa akin Kasabay ng aking pagpikit Suminag ang pait Pag-asa'y 'di masilip Sa gitna ng gabing kay dilim Naghihintay mula takipsilim 'Di susuko sa pagtitiwalang Ikaw ay makakamtan Ng hindi panandalian [Pre-Chorus] Kahit kumpiyansa'y unti-unting nawawala 'Di uubra ang hamon ng duda [Chorus] Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na Ng puso kong naghihintay Na makasama ka sa'king buhay Hanggang sa dulo ng walang hanggan Ikaw ang hanggan Patuloy na inaasam na masilayan na kita Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala Ang kahilingang mahanap kita Ang tanging hangad ng puso'y ikaw [Verse 2] Makulimlim na pagsikat ng araw Nananaig na ang boses na bumibitaw Bingi-bingian na naman Pilit na tinatakpan pusong nananawagan Kay ginaw ng tanghaling tapat Mga ginagawa'y 'di pa rin sapat Sumagi sa'king pag-iisip Damdami'y kinikimkim Sa sarili'y 'di maamin [Chorus] Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na Ng puso kong naghihintay Na makasama ka sa'king buhay Hanggang sa dulo ng walang hanggan Ikaw ang hanggan Patuloy na inaasam na masilayan na kita Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala Ang kahilingang mahanap kita Ikaw ang hangad [Bridge] Balik takipsilim Sasapit na'ng gabi Mga bitui'y lumihis Sisikat nang muli Araw ay sumilip Nasilaw sa dilim Puso'y nagising Nag-iisang muli [Chorus] Patuloy na aasa na ikaw ay makilala na Ng puso kong naghihintay Na makasama ka sa'king buhay Hanggang sa dulo ng walang hanggan Ikaw ang hanggan Patuloy na inaasam na masilayan na kita Babangon at lalaban at isisigaw ko kay Bathala Ang kahilingang mahanap kita (Makita ka, mahanap ka) Ang tanging hangad ng puso'y ikaw [Outro] Balik takipsilim, sasapit na'ng gabi (Ng puso'y ikaw) Mga bitui'y lumihis, sisikat nang muli (Ng puso'y ikaw) Araw ay sumilip, nasilaw sa dilim Puso'y nagising Nag-iisang muli
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Raphaell Ridao
- Gian Bernardino