Hayaan

Lyrics
[Verse 1] Ngayo'y bumabalik ang mga alaalang kay pait Muling naririnig ang mga salitang iyong nasambit Nadarama muli ang mga yakap mong mahigpit Kaya hayaan sana na ako ngayo'y mapag-isa Isara ang pinto, ipatulo ang mga luha [Chorus] Ipikit mga mata, hayaang maglakbay Isipang gulo at 'di pa sanay na ika'y Wala na Na ika'y wala na [Verse 2] Dahan-dahang sasanayin ang aking sarili Unti-unting aangat, naghihintay ng tamang saglit Hinay-hinay, 'wag naman sanang imadali Kaya pagbigyan na na ako ngayo'y mapag-isa At 'wag nang mag-alala, sa tamang panahon, ako'y babangon na [Chorus] Ipikit mga mata, hayaang maglakbay Isipang gulo at 'di pa sanay na ika'y Wala na Na ika'y wala na [Post-Chorus] Malalim na hininga, damdamin ibuga Nabibingi sa katahimikang dala Ng pusong hingalo Pagod, sumusuko Oh oh oh oh Oh oh oh oh Oh oh oh oh Oh oh [Bridge] At aking aalamin Mga tanong na 'di binabanggit (binabanggit) Mga sagot hinihingi Hahanapin ang nakakubli (nakakubli) Pinaglaban, pinaglaban ko sana Ngunit wala na, wala na 'kong magawa [Instrumental Break] [Refrain] At aking aawitin Lahat ng damdaming kinimkim 'Di pa kayang mawala Kaya hayaan sana [Outro] Ipikit mga mata, hayaang maglakbay Isipang gulo at 'di pa sanay na ika'y Wala na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Raphaell Ridao