Pakiusap

Album cover art for "Pakiusap" by Cesca

Cesca - Pop, Acoustic

Pakiusap

0 Plays

Duration: 3:37

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Ika'y aking anaki Nagkalabuan sa pagkinang ng dagat at kislap ng buwan Bawat isa'y magkakalahati Nasa atin na ang marahuyong balse ng gabi [Pre-Chorus] Siguro balewala ang lahat ng sikretong binulong mo sa akin sa gitna ng dilim Siguro mas nais mo ang liwanag ng nakakasunog niyang piling [Chorus] Pakiusap na lang walang manghihinayang Dahil siya ang 'yong pinili Sa'king panaginip ikaw ang nasa isip Gusto ko nang magising [Verse 2] Ba't 'di mo nabanggit? (Nabanggit) Mahal mo na ang siya na dumarating at aalis nang bigla 'Di na lalayo sa bukang-liwayway (Liwayway) Na 'di marunong magpaalam at agad mawawalay [Pre-Chorus] Tayo ang tanging tahanan ngunit bakit mo napag-isipang magbakasakali? Kasalungat ba ang magbubuo at maghihilom ng pusong may kahati? [Chorus] Pakiusap na lang walang manghihinayang Dahil siya ang 'yong pinili Sa'king panaginip ikaw ang nasa isip Gusto ko nang magising [Bridge] Bakit parang paulit-ulit lang na kay dali-dali kong palitan Kung kelan ko napag-isipang magpakalakas-loob ay bigla lang bibitawan O, sinta, masisisi ba kita kung mas mahal mo ang siyang 'di mo kilala? O, Abad, masisisi ba kita kung 'yon din ang aking ginagawa? [Outro] Pakiusap mo na ako ang nararapat Ngunit 'di mo napansin ang ating tadhana 'Di mo masisisi ang nais kong pag-alis Na para bang pamahiin

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Cesca