Buti Na Lang

Album cover art for "Buti Na Lang" by Cesca

Cesca - Pop, Pinoy Ballad

Buti Na Lang

0 Plays

Duration: 5:15

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Oh, buwan, pwede ko bang maitanong? Ikaw na nga ba ang tanging sagot sa panalangin ko? Alam kong hindi palaging kalma ang aking alon Oh, buwan, maaari ba 'kong magpaalaga sa'yo? [Verse 2] Kung pwede lang naman Papakinggan mo ba ang mga bagong kaganapan? Sa aking araw na tanging ikaw ang pupuntahan [Chorus] Para sa pahinga, pahinga Alam kong 'di ako sanay ng may sinasandalan Pasenya na't kailangan mo pa Ako turuan na magpahinga, oh, sinta Ang dami kong paniniwalang nais limutan At buti na lang dumating ka [Verse 3] Oh, buwan, alam mo naman, kilalang-kilala mo ako Na ang aking tanging kahihiyan ay ang humingi ng tulong 'Di namalayang ako ay nasanay na laging ako ang bigay nang bigay Hirap naman akong magtanggap, salamat sa iyong mga yakap [Chorus] Aking pahinga, pahinga Alam kong 'di ako sanay ng may sinasandalan Pasenya na't kailangan mo pa Ako turuan na magpahinga, oh, sinta Ang dami kong paniniwalang nais limutan At buti na lang [Bridge] Sa dalampasigan aking nasilayan Ngiting natatangi na hulog ng langit Sa pagsimoy ng hangin, muling nakapiling Ang matamis na halik, nakakapanabik [Outro] Sa atin ang balse ng dagat at buwan, balse ng gabi Kita ang iyong tala sa karagatang aking iniibig

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Cesca