Tingin Medley

Lyrics
[Part I: Titingin-Tingin] [Verse 1: Celeste Legaspi] Titingin-tingin sa akin ang mama Mamasid-masid na parang kawawa Lilingon-lingon, hindi na nagsawa At ayaw mangusap, palagay ko'y nahihiya [Chorus: Celeste] Kahit 'di ko pansinin, aking nararamdaman Titingin-tingin pa rin, ang lalaki nga naman Tingin din nang tingin, akala'y 'di ko alam Nasisiyahan kayang ako'y laging tingnan Kahit 'di ko pansinin, aking nararamdaman Titingin-tingin pa rin, ang lalaki nga naman Tingin din nang tingin, akala'y 'di ko alam Nasisiyahan kayang ako'y laging tingnan [Part II: Ligaw-Tingin] [Verse 2: Nonoy Zuñiga] Mayro'ng isang binata at isang dalaga na magkapitbahay Nagkaunawaan sa tinginan lamang Ang pag-ibig kasi, hindi man bigkasin, napapansin sa kilos Kung mayro'ng pag-asa ang isang pag-irog [Verse 3: Celeste] Gulat naman ako kung ang isang lalaki'y kay sarap gumiliw Kung 'di man makisig, mayro'ng panghalina Walang romansa ang ganyang ligaw-tingin 'pagkat nakakasuya Laging nakatanghod at mukhang kawawa [Verse 4: Celeste, Nonoy] Wala mang salita, sa kilos at sulyap, maaaring sabihin Ng isang lalaki ang kanyang paggiliw Mayro'n nga riyang lalaki kay sarap mangusap ngunit sinungaling Ang mga babae, ibig lang bolahin [Verse 5: Celeste] Damdamin ng lalaking 'di umiimik, mahirap mahulaan Dapat ay moderno kahit sa pagligaw At 'yung ligaw-tingin na sinasabi mo ay uso noong araw Atrasado tayo kung ganyan ang buhay [Verse 6: Nonoy] Kung ang ligaw-tingin ay 'di mahalaga, pakinggan mo ang samo Ng pagsuyong tunay at tapat sa puso Minamahal kita, iniibig kita, 'yan ay isang pangako Na iyong asahan, buhay ma'y maglaho [Part III: Tingnan Natin] [Verse 7: Celeste, Nonoy] Kaming mga lalaki, taksil daw sa pag-ibig Kung totoo, tingnan natin Bakit hindi subukin? Umibig ka sa akin Halika na, tingnan natin 'Wag mo akong buwisitin nang hindi mo abutin Ang mapahiya, tingnan natin Kung nais mong subukin ay bakit pa sa akin? Sa iba na, tingnan natin [Verse 8: Celeste, Nonoy] Magtataksil nga ako kung ibang pagsuyo ang iyong ituturo 'Pagkat 'di maglalaho ang aking pagsamo sa iyo, nyaring puso Kaya ako kailanman ay nag-aalinlangan, baka hindi tunay Ang pag-ibig mo sa akin ay tatanggapin kung tapat, tingnan natin [Chorus: Celeste & Nonoy] Ikaw ang mamahalin sa aking puso, giliw Asahan mo, tingnan natin Buhat ngayo'y alamin kung ako nga ay taksil Sa pag-sinta, tingnan natin 'Wag lamang lilimutin, sa ginhawa't hilahil Karamay mong walang maliw Ang aking pusong baliw Na lagi lang susundin ang iyong hiling, tingnan natin [Outro: Celeste & Nonoy] Tingnan natin Tingnan natin Tingnan natin
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Levi Celerio
- Tex Salcedo
- C. Sta Maria
- Juan Silos Jr.