Bituing Marikit

Lyrics
Language:
[Verse 1] Bituing marikit sa gabi ng buhay Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay Yaring aking palad iyong patnubayan At kahit na sinag ako'y bahaginan [Verse 2] Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig Na pinakasasamba sa loob ng dibdib Sa iyong luningning laging nasasabik Ikaw ang pangarap bituing marikit [Verse 3] Lapitan mo ako halina bituin At ating pag-isahin ang mga damdamin Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin Sa batis na iyong wagas na paggiliw [Verse 4] Lapitan mo ako halina bituin Ating pag-iisahin ang mga damdamin Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin Sa batis ng iyong wagas na paggiliw
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)
Loading comments...
Credits
- Writers
- Nicanor Abelardo
- Servando Angeles