Paru-Parong Medley

Album cover art for "Paru-Parong Medley" by Celeste Legaspi

Celeste Legaspi - Pop, Folk

Paru-Parong Medley

0 Plays

Duration: 4:54

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Paruparong bukid na lilipad-lipad Sa gitna ng daan papaga-pagaspas Isang bara ang tapis Isang dangkal ang manggas Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad [Verse 2] May payneta pa siya May suklay pa man din Nagwas de-ohetes ang palalabasin Haharap sa altar at mananalamin At saka lalakad ng pakendeng-kendeng [Verse 3] Sampaguita ng ating bayan Bulaklak na bango ng buhay Simputi ng sumpang dalisay Ng pagsintang 'di mamamatay [Verse 4] Siya raw ang dating pagsuyo Ng dalagang minsa'y mangako Sa binatang dagling lumayo Sa naghihintay na dakilang puso [Verse 5] Sa pagluha pumanaw ang paraluman Ngunit sa libingan nakita'y halaman Bulaklak ay puti't may tanda ng buhay Sumpa kita ay waring bulong ng bawat nagdaraan [Verse 6] Bulaklak na tanging marilag Ang bango ay humahalimuyak Sa mundo'y dakila ang hiyas Pang-aliw sa pusong may hirap [Verse 7] Batis ng ligaya at galak (Batis ng ligaya at galak) Hantungan ng madlang pangarap 'Yan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta [Verse 8] Ang dalagang Pilipina Parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning na tangi at dakilang ganda [Verse 9] Maging sa ugali, maging sa kumilos Mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos Malinis ang puso maging sa pag-irog May tibay at tining ng loob [Verse 6] Bulaklak na tanging marilag Ang bango ay humahalimuyak Sa mundo'y dakilang panghiyas Pang-aliw sa pusong may hirap [Verse 7] Batis ng ligaya at galak Hantungan ng madlang pangarap Ganyan ang dalagang Pilipina Karapat-dapat sa isang tunay na pagsinta [Outro] Ang dalagang Pilipina

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Producers
  • Jessie C. Saclo