HALINA MEDLEY (Halina, Halina, Pasko Kasi, Kami Po’y Paskuhan,Pasko’y Laganap, Simula Ng Pasko)

Celeste Legaspi - Pop, Philippines
HALINA MEDLEY (Halina, Halina, Pasko Kasi, Kami Po’y Paskuhan,Pasko’y Laganap, Simula Ng Pasko)
0 Plays
Duration: 5:32
Lyrics
[Intro] O, mga kasama halina, halina Mag-alay ng panalangin At dalawin halina, halina Ang sanggol ng Inang Birhen [Verse 1] Maghanda-handa sa pagdiriwang ating gagawin At sikapin ding mapagmahal ang damdamin natin At lahat tayo ay dapat magdasal nang mataimtim Nang tayo'y pagpalain [Segue] O, mga kasama halina, halina Mag-alay ng panalangin [Verse 2] Sa Belen tayo ay magsidalaw At mag-alay ng ating paggalang Iya'y tungkulin habang-buhay Ng bawat taong isinilang [Verse 3] Dinggin niyo ang buong bayan Pamasko ang awitan Laganap ang kasayahan May galak ang daigdigan [Verse 4] Dukha man ang ating buhay Tayo'y dapat magdiwang Tayo ay magpasalamat Sa taglay nating buhay [Verse 5] Sa araw ng Pasko, iwaglit ang lumbay Tayo ay magsayang walang humpay Ihanda ang lahat ng may sigla at liksi Darating ang araw ng Pasko kasi [Verse 6] Buksan niyo ang bintana at ako ay pakinggan Ang awit kong Pamasko sa inyo'y iniaalay [Verse 7] Ako po ay nanggaling sa malayong bayan Nagsadya rito sa inyo upang kayo ay awitan [Bridge] Ako'y bumabati ng maligayang Pasko At masaganang bagong taon [Verse 7] Ako po ay nanggaling sa malayong bayan Nagsadya rito sa inyo upang kayo ay awitan [Verse 8] Maligaya sana ang maging Pasko natin Mag-aalay ng papuri sa pananalangin Sa lahat ng tao, sa lahat ng dako Pagdiriwang natatangi ang araw ng Pasko [Verse 9] Kapag nasa simbahan, tayo'y magdasal At kung nasa tahanan, tayo'y magdiwang Iyan ang kaugalian na ating nagisnan Laging alalahanin ngayon at kailanman [Verse 10] Nauna ang tatlong haring mago Nagbigay ng mga regalo Simula lang ito ng kagandahang loob Ng mga taong naging Kristyano [Chorus] Habang tayo'y nabubuhay Ang Pasko ay laging ipagdiwang At itangi ang pagsilang Ni Hesus na ating minamahal Habang tayo'y nabubuhay Ang Pasko ay laging ipagdiwang At itangi ang pagsilang Ni Hesus na ating minamahal Habang tayo'y nabubuhay Ang Pasko ay laging ipagdiwang At itangi ang pagsilang Ni Hesus na ating minamahal [Outro] O, mga kasama halina, halina Mag-alay ng panalangin At dalawin halina, halina Ang sanggol ng Inang Birhen
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Leopoldo Silos
- Serapio Y. Ramos