Bolero Medley

Album cover art for "Bolero Medley" by Celeste Legaspi

Celeste Legaspi - Pop, Ballad

Bolero Medley

0 Plays

Duration: 4:07

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Ikaw pala'y mayro'ng ibang minamahal 'Di mo pinagtapat noong una pa lang Nang sana tayo ay hindi na nagtagal At nagmahalan [Verse 2] Maiaalis mo ba'ng ako ay magdamdam Kung ang pagsuyo mo'y balatkayo lamang Batid ng Diyos labis kitang minamahal Ngayon at kailanman [Verse 3] Magtaksil man ikaw 'Yan ay 'di mo kasalanan 'Pagkat ako'y sadyang Kapuspalad nang isilang [Verse 4] Sa pag-ibig ako ngayo'y nabubuhay Sa pag-ibig na rin ako'y mamamatay At kahit na ang puso mo'y salawahan Ikaw rin ang mahal [Verse 5] Padre, nais kong mangumpisal Ako ay nagkasala sa isang nilalang Iniibig ko siya kahit ito ay bawal At mayro'ng ibang puso sa akin ay nagdaramdam [Verse 6] Bakit pa kaya ako sinilang Kung laging sawi ang aking buhay Subalit kung nais ng Maykapal Sino akong tao lamang na susuway [Verse 7] Huwag kang lumuha giliw at ako'y babalik Huwag kang mag-alinlangan puso'y humihibik At dapat mong malaman ang nais ng dibdib Sinusumpa kong tunay na tunay 'di ka iwawaglit [Verse 8] Ako'y babalik sa piling mo hirang Ang aking pagsuyo'y 'di mahahadlangan Hanggang sa wakas ay magpapakasakit Sa tulong ng langit ako'y babalik

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Levi Celerio
  • Felipe Maninang