Akoy Bakyang-Bakya

Lyrics
[Verse 1] Ang hilig ko'y butong pakwan Ayoko ng pastilyas Nagdyi-dyip ako miski saan Hanggang sa Dasmariñas [Verse 2] Hindi ako lumalampas sa linya ng batas At wala akong namamaneho kahit na harabas Nakakahilo ang maging sosyal Hanggang Luneta lang namamasyal [Verse 3] Kain sa oras ang aking gusto Bayad sa utang ay palaging husto Hindi ko kaya ang magwalang hiya Oo, ako'y bakyang-bakya [Verse 4] Ayaw ko ngang magpelota't mahjong Mag-Nina Ricci, Yves Saint Laurent O mag-kolekta ng painting kaya Pa'no, ako'y bakyang-bakya [Verse 5] Sumusunod sa aking loob Kahit ako'y tawaging laos Kaya mag-Hilton, hindi ko gawa Dahil ako'y bakyang-bakya [Verse 6] Sa turo-turo, busog na ako Si Oropesa ang idolo ko Basta't may komiks na basang sadya S'yempre ako'y bakyang-bakya [Verse 7] Ayaw ko ng palabas na Ingles O mag-sports car, masyadong bilis At mano nang magmukhang matanda 'Di ba't ako'y bakyang-bakya? [Verse 8] 'Di ko alam ang mag-credit card Ang pera ko, akin lahat Sa kama ko, mag-isang hihiga Kitams ako'y bakyang-bakya
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Rolando S. Tinio