Ngayong Pasko

Lyrics
[Verse 1] Ngayong Pasko ay may isang hiling Ang puso kong ito, isang yakap man lang mula sa 'yo Nais ko lang ay ang malaman mo Na ang aking gusto ay ang muling ako'y ibigin mo [Chorus] Ngayong Pasko, ngayong Pasko Kailangan ko ang balakubak mo Sa Christmas Tree upang magmukhang snow Ngayong Pasko, ngayong Pasko Ay miss na miss ko ang pulang wig mo Dahil dati ito ang palamuti na sinasabit ko [Verse 2] Ngayong Pasko, ako'y sumulat na para kay Santa Klaws At sabi ko sana'y hanapin at hulihin ka Sa 'kin ay ibalik, ako'y nananabik Na mamasdan kitang naghihilik [Chorus] Ngayong Pasko, ngayong Pasko Ipakita mo sa 'kin ang ipin mo Na tatatlo upang matawa ako Ngayong Pasko, ngayong Pasko Ay mayroon akong regalo sa iyo Totoo, ito'y pangako ko sa 'yo ngayong Pasko, oh Ngayong Pasko, ngayong Pasko Ay hindi na 'ko maniningil sa 'yo ng utang mo Huwag na sanang magtago Ngayong Pasko, ngayong Pasko 'Di na ko magtatawa sa peklat mo at asim mo Magbalik ka lang sana ngayong Pasko [Outro] Ngayong Pasko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Tito Cayamanda