Ikaw Ang Krismas

Lyrics
[Verse 1] Isang tulog na lang, uuwi na ako Sa aking pag-uwi ay nasasabik na sa 'yo Sabik akong maramdaman ang mga yakap mo 'Yan ang dalangin ko ngayong Pasko [Verse 2] Isa-isang bumabalik kahapong nagdaan Mula nang ikaw ay isinilang na minsan naming hinintay Pasko na nga't muli uling mayayakap kita Sa araw ng Pasko'y kapiling ka [Chorus] Sa Paskong darating ay makakapiling ka Hanggang simbang gabi, tayo pa ring dalawa 'Di maghihiwalay hanggang bagong taon Anak, ikaw ang Krismas ko ngayon [Instrumental Break] [Verse 3] Tulog na ang lahat nang ako ay dumating Maging si Santa Klaus, siguradong tulog na rin Anong tuwa nang makitang ika'y nahihimbing 'Di ba't sabi ko "Ako ay darating." [Verse 4] Dahan-dahan akong lumapit upang masdan ka Isang pirasong Christmas card sa kamay mo'y nakita Ang sabi mo "Papa, sana dumating ka na Kasi Papa, miss na miss na kita." [Chorus] Sa Paskong darating ay makakapiling ka Hanggang simbang gabi, tayo pa ring dalawa 'Di maghihiwalay hanggang bagong taon Anak, ikaw ang Krismas ko ngayon Sa Paskong darating ay makakapiling ka Hanggang simbang gabi, tayo pa ring dalawa 'Di maghihiwalay hanggang bagong taon Anak, ikaw ang Krismas ko ngayon [Outro] Anak, ikaw ang Krismas ko ngayon Papa? Merry Christmas, anak
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Larry Chua