Minadyik Mo Ang Puso Ko

Lyrics
[Verse 1] Akala ko'y 'di na magmamahal Ang puso kong ilang ulit nang nasaktan Akala ko'y 'di na mabubuksan Damdamin kong walang sawang sinugatan [Pre-Chorus] Ngunit nang ika'y dumating At magtama ang ating paningin Iba na ngayon ang ihip ng hangin [Chorus] Minadyik mo ang puso ko na dati ay gulong-gulo Sa alay na pag-ibig mo, na-hocus pocus mo ako Ang dating kay dilim na mundo Ay nagliwanag dahil sa 'yo 'Pagkat minadyik mo ang puso ko [Verse 2] Ang buhay kong binalot ng lungkot Sa madyik mo, naglaho ang kirot Aking mukhang puno ng kulubot Sa madyik mo, me ngayon ay super cute [Pre-Chorus] Salamangka mo'y kay galing Ganda mong kay lakas ng dating Puso kong tulog ay biglang nagising [Chorus] Minadyik mo ang puso ko na dati ay gulong-gulo Sa alay na pag-ibig mo, na-hocus pocus mo ako Ang dating kay dilim na mundo Ay nagliwanag dahil sa 'yo 'Pagkat minadyik mo ang puso ko, woah-oh-oh Minadyik mo ang puso ko na dati ay gulong-gulo Sa alay na pag-ibig mo, na-hocus pocus mo ako Ang dating kay dilim na mundo Ay nagliwanag dahil sa 'yo 'Pagkat minadyik mo ang puso ko [Outro] 'Pagkat minadyik mo ang puso ko
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Boy Christopher