Krismas Aw Aw!

Album cover art for "Krismas Aw Aw!" by Bayani Agbayani

Bayani Agbayani - Pop, Filipino

Krismas Aw Aw!

0 Plays

Duration: 2:36

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] December sixteen, simula ang karoling Simula ang araw ng pagkalansing Ng mga tambol at mga batingting Instrumento namin aming tutugtugin Lata at tansan, kaldero at pinggan Guguluhin namin ang iyong tahanan Kutsura, tinidor, pambulabog kay Ador Kaso ibang nagising, asong si Putol [Chorus] Dahil sa isang Pasko na nagdaan Malas ang inabot no'ng nasa lansangan [Verse 2] Dali-daling umuwi, dali-daling kumaripas Ang bilis-bilis nitong si Patras Lahat kami gusto niyang lapain Pati mukha ko kakagatin [Chorus] Dahil sa isang Pasko na nagdaan Malas ang inabot no'ng nasa lansangan Wala na nga kaming aginaldo Hinabol pa kami ng mga aso [Verse 3] Ikalawang araw, eto pa rin kami 'Di pa rin nadadala sige nang sige Hala sige bira, karoling pa Istorya namin pakinggan, eto na Kasama namin, magulo maingay Masyadong makulit, masyadong pasaway Sige ang kampay ng kanyang mga kamay Nanggugulo, sige ang wagayway Pero 'di namin alam may asong bantay Kumahol tumahol, lahat kami hinabol Galit na galit, parang nauulol Sa tindi ng takot namin, naiwan pati tambol [Chorus] Dahil sa isang Pasko na nagdaan Malas ang inabot nung nasa lansangan [Verse 4] Sige karipas takbo, paspas Laging ganito, laging minamalas Walang aginaldo, puro ngawngaw Krismas namin puro aw aw [Chorus] Dahil sa isang Pasko na nagdaan Malas ang inabot no'ng nasa lansangan Wala na nga kaming aginaldo Hinabol pa kami ng mga aso (Ayan na naman!) [Outro] Wala na nga kaming aginaldo Hinabol pa kami ng mga aso (Takbo habang may lupa!)

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Darwin Ferianeza