Hangin

Lyrics
[Chorus] O, hangin (O, hangin) Pinayapa mo ang aking damdamin O, hangin (O, hangin) Linutas mo ang aking mga suliranin [Verse 1] Hanging maitim ang nasa bayan Likha ng usok sa pagawaan Ito'y 'di mo masilayan Dito sa bundok at kabukiran [Verse 2] Punong kawayan ang aking nakikita Buhay ng karamiha'y sa kanya gumagaya 'Di tiyak kung saan pupunta Bawat galaw, hangin ang nagdadala [Chorus] O, hangin (O, hangin) Pinayapa mo ang aking damdamin O, hangin (O, hangin) Linutas mo ang aking mga suliranin [Verse 3] Aking himig, inyong maririnig Sa hangin na nasa paligid Kasabay sa ibong nagliliparan At kaluskos ng dahon sa palayan [Verse 4] Buhay ko'y katulad niya Kung saan-saan napupunta Dahil sa himig na aking dala At sa hawak kong gitara [Chorus] O, hangin (O, hangin) Pinayapa mo ang aking damdamin O, hangin (O, hangin) Linutas mo ang aking mga suliranin [Outro] O, hangin Oh, oh
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Pendong Aban Jr.
- Mike Pillora