Nasa’king Damdamin

Lyrics
[Verse 1] Parang kay bilis naman nating nawalan ng gana Araw, dapit-hapon Mm, magdamag kang hinahanap sa pagbangon Mas pipiliin ko pang punasan Ang kasinungalingan mo sa'yong labi Kesa sa 'di tapat mo na luha [Chorus] Oh, tila tinatahak lamang natin Ang tadhanang 'di naman ako ang 'yong kahati Sana 'di mo na pakawalan Nangangalay ang aking bisig Kakaalay sa'king pag-ibig [Post-Chorus] Na-nasa'king damdamin Ikaw lang [Verse 2] Oh, dito lang naman nakatutok Bakit parang lahat ay gumuho? Habang ako'y kumakapit Nangangawit na rin sa'yong alaala na parang naiipit Hanggang kailan muli ang huling sandali Sa'n na 'ko uuwi? [Chorus] Oh, tila tinatahak lamang natin Ang tadhanang 'di naman ako ang 'yong kahati Sana 'di mo na pakawalan Nangangalay ang aking bisig Kakaalay sa'king pag-ibig [Bridge] 'Di naman sa 'di nanais na minamahal (Ah-ah-ah) Sadyang 'di mawari Lumipas ang sa'tin Saan ka hahanapin? [Interlude] Nasa'king damdamin lang lahat Ba't 'di mo 'ko dinggin (Woah-oh) Ang nasa'king damdamin? (Woah-oh) Nakakaabala ba 'ko sa'yong mga panalangin? (Woah-oh, woah-oh) [Outro] 'Di naman sa 'di na nais na dinadasal Wala na ngang sa'tin 'Di kinaya ng dalangin Parang kay bilis naman nating nawalan ng tahanan
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Arthur Nery