Paalam Lang Ang Palagi

Album cover art for "Paalam Lang Ang Palagi" by Arthur Nery

Arthur Nery - R&B, Pinoy R&B

Paalam Lang Ang Palagi

49K Plays

Duration: 4:33

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Namamalayan mo bang sa'yo lang aking paningin? Nangungusap na lumingon sana Habang wala pang nakakaalam (Ah-ah) Aking diwata, oh, parusa na nga na 'di kita nakakausap [Pre-Chorus] Sabi na nga ba't pareho lang, wala nang bago Nagpapaikot lang din ako hanggang lumabo Ang paningin ko sa'yo'y kumakapit pa lalo (Woah-oh) Habang buhay na sana kung 'di ka napagod [Chorus] Paalam, ang palagi mong sinasabi Ta's babalik 'pag walang Nahanap na tulad ng sa'tin Paalam lang ang palagi [Verse 2] Sa dalubtalaanan, sa'ng sansinukob ba matatagpuan? Ang mundo na sinasabi mo Ako lang ang hindi kasali 'La nang araw sa buwan [Pre-Chorus] Sinabi na nga ba't pareho lang, wala nang bago Habang buhay na sana kung 'di ka napagod [Chorus] Paalam, ang palagi mong sinasabi Ta's babalik 'pag walang Nahanap na tulad ng sa'tin Paalam lang ang palagi Ang hinaharap na hinahanap nating dal'wa Ay ang kasalukuyan, ang kasalukuyan [Instrumental Break] [Outro] Tama ka nga pero tama na muna Magpapaulila na lang Tama ka nga pero tama na muna Ang dami ng dahilan, oh-oh Tama ka nga pero tama na muna Balang araw na lang Tama ka nga pero tama na muna Balang araw na lang

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Arthur Nery