Akala Maling Akala

Lyrics
[Intro] Ooh-ooh-ooh-ooh Oh-oh-oh-oh, oh-oh-oh Ooh-ooh-ooh-ooh Oh-oh-oh, oh-oh [Verse 1] Hindi ko alam Na ikaw pala ang dati ko pang panalangin Bakit ngayon ko lang napansin? Ah, dahil kasi nga (Ooh-ooh-ooh-ooh) 'Di naman kita hinanap O kung saan man hinagilap [Pre-Chorus] Basta naramdaman na lang bigla at nagwala (Tinamaan na ako sa'yo) [Chorus] Ooh, ang puso ko para sa'yo Hindi 'to planado, kung inaakala mo Basta't huminto din ang aking mundo At puro pangalan mo ang nakatatak sa isipan ko Akala ko maling akala, 'yun pala ay tama Tinamaan na pala sa'yo [Verse 2] Nagduda rin ako, nung una Kung ikaw ba talaga O ang puso'y parang namamalik-mata lang Dahil baka nga Umaasa lang sa wala Pero iba ang kalabit ng puso't isipan Nahulog na ngang tuluyan [Pre-Chorus] Hay, basta't naramdaman na lang bigla at nagwala (Tinamaan nga ako) [Chorus] Ooh, ang puso ko para sa'yo Hindi 'to planado, kung inaakala mo Basta't huminto din ang aking mundo At puro pangalan mo ang nakatatak sa isipan ko [Bridge] Ngayon ay sigurado na Kahit sa kinabukasan ikaw ang natatanaw Na kayakap, kapiling Masilayan paggising At sa bawat umaga na paparating [Chorus] Ooh, ang puso ko para sa'yo Hindi 'to planado, kung inaakala mo Basta't kumulay bigla ang aking mundo At puro pangalan mo ang nakatatak sa isipan ko Akala ko maling akala, 'yun pala ay tama Tinamaang malala sa'yo [Outro] Akala ko maling akala 'Yun naman pala ay tama Akala ko maling akala Akala ko lang pala Akala ko maling akala 'Yun naman pala ay tama Akala ko maling akala
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Angela Ken