Payapa Lang

Lyrics
[Verse 1] Akala mo ay tunay 'yun pala'y may pakay lang sa'yo Lalapit 'pag mayrong kailangan 'Pag wala'y dadaanan ka lang Ano kaya 'yon? [Pre-Chorus] Malalaman mo kung sino ang totoo Kung Ika'y aalalayan 'pag ikaw ay sugatan Kahit walang-wala ka, sila'y nakasuporta Nagdadalahan paangat, 'di naghihilahan nang pabagsak [Chorus] 'Sadyang kay hirap amuhin ang lahat Kaya ingatan ang sa'yo'y tapat Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lamang Mahalin silang sa'yo'y 'di nang-iiwan Silang hindi nang-iwan, 'wag mong pabayaan Konti lang yan Hmm [Verse 2] Akala mo'y seryoso 'yun pala'y meron lang motibo Pinapaikot lang ang ulo mo 'Di bale nang ikaw ang masaktan 'Wag na 'wag na lang papatulan 'Di ka nag-iisa, siguradong meron sa'yong sasalba [Chorus] 'Sadyang kay hirap amuhin ang lahat Kaya ingatan ang sa'yo'y tapat Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lamang Mahalin silang sa'yo'y 'di nang-iiwan Silang hindi nang-iwan, 'wag mong pabayaan Konti lang yan Hmm [Outro] 'Di mo kailangang magpaka-tama sa lahat 'Di man perpekto ngunit biyaya Niya'y sapat Kung sila'y lilisan, hayaan mo na lang Basta't ang puso mo'y payapa lang Hayaan mo na lang Basta't ang puso mo'y payapa lang
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Angela Ken