Gitna

Lyrics
Nakalulan sa bangka ang mga pusong inalipin ng kilig Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig Saklolo, saklolo tulungan nyo akong intindihin Pa'no ba tayo dumating sa ganito Sumasagwan na tayong palayo, palabo ng palabo 'Di ko na makita ang pangpang Nang 'yong isipang di malaman para bang Isang daang sanga-sanga, saan ba tayo papunta Kung palaging hindi mo alam Ang sagot sa'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo At sa mundong 'yong ginagalawan Mas pipiliin 'kong wala 'wag mo lang akong iiwan Sa gitna ahhh hah… Ayoko lang maiwan sa gitna ahhh hah… Ayoko lang maiwan sa gitna Sa gitna nitong dagat ng kawalan Kung saan pinilit kong lunurin ang Pagtangi na hindi maaari, hindi ko mawari kung 'bat natutong lumangoy Kaya ang puso ko ngayo'y nananaghoy 'Di ba puti't itim lang 'to bakit tayo kulay abo At palaging hindi mo alam Ang sagot sa'king tanong kung sino ba 'ko sa iyo At sa mundong 'yong ginagalawan Mas pipiliin 'kong wala 'wag mo lang akong iiwan Sa gitna ahhh hah… Ayoko lang maiwan sa gitna ahhh hah… 'Wag mo lang akong iiwan sa gitnang Walang kasiguraduhan, wala kasing kahulugan ang mga Salita na palagi mong binibitawan tuwing magtatanong Ano nga ba talaga tayo, napakalinaw ng malabo Gusto ko nang makatusan, hindi pa nagsisimula pa lang Kahit alam ko nang dehado, inunawa't anong sabi mong 'Di pa ko sigurado, oo o hindi wala namang tama o mali 'Wag mo lang sana naman akong iiwan sa gitna hah… Ayoko lang maiwan sa gitna ahhh hah… 'Wag mo lang akong iiwan hah… Ayoko lang maiwang nakalulan sa bangka Ng mga pusong inalipin ng kilig Unti-unting lumulubog sa dagat ng pag-ibig
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Davey Langit