Simula ng Dulo

Lyrics
Nakabalot sa'kin ang 'yong bisig Pero 'di mo ako yakap yakap Nakabaling sa'kin nang magising Pero di mo ako hanap hanap Meron ba 'kong dapat malaman? Baka naman pwede nating pag usapan Hindi ko pa kayang aminin sa sarili Huwag munang sabihin na Ito ang simula ng ating dulo Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso Hanggang dito na lang ang walang hanggan Ito ang simula ng ating dulo Huwag ka munang umatras Puting bandila'y wag mo munang itaas At bitawan ang mga kinatatakutan kong salitang Nasa dulo ng 'yong dila, huwag mong ibulalas Magsinungaling ka sa'kin Ulit ulitin mong sabihing ako'y mahal mo pa-paniwalaan ko kahit 'di Na totoo Kahit alam ko nang Ito ang simula ng ating dulo Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso Hanggang dito na lang ang walang hanggan Ito ang simula ng dulo Unti unting bumibitaw Lumuluwag na ang 'yong kapit at damdamin mo'y malayo Lingunin mo naman ako at ang mga plano at pangako na ngayo'y Iiwanan mo Ganun pa man, wala pa ring katulad ang iyong ganda Kahit nagpapaalam na't nagsasabi na Ito ang simula ng ating dulo Ang dulo ng takbuhin ng napagod nating puso Hanggang dito na lang ang walang hanggan Ito ang simula ng ating dulo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Therese Marie Villarante
- Davey Langit