Senaryo

Lyrics
[Verse 1] Ako ngayo'y nakapikit Samu't saring mga bagay ang naiisip 'Di mapigilan ang sarili na maghangad 'Di sa tinatamad Ito ang aking paraan upang agad-agad Na maranasan ang iba't ibang karanasan Ako'y nalilibang sa gan'tong gawi Ako'y nauuwi sa labis na pag-ngiti [Pre-Chorus] Lagi na lang ganito Kailan kaya magpapakatotoo Sa nararamdaman ng aking puso? [Chorus] Sa panaginip laging naiinip Hindi mawari laman ng isip Kada susulyap laging may hadlang Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya Hanggang, hanggang, hanggang Kailan ba 'ko maglalaan ng oras Sa kakaisip ng mga senaryo, oh, mm? [Verse 2] Ipinagkait ng sansinukob Mga tanyag ba na maari kong maging sagot 'Di 'pag nababagot Ibabaling na naman sa pagsuot Ng mapanlinlang na imahinasyon sa palaisipan Walang puhon 'Di maiwasan kahit pa na labanan Makakailan pa bang [Pre-Chorus] Lagi na lang ganito (Ganito, ganito) Sana'y mga gusto'y maging totoo Sa takdang panahon, ako'y makakaahon din [Chorus] Sa panaginip laging naiinip Hindi mawari laman ng isip Kada susulyap laging may hadlang Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya Hanggang kailan ba 'ko Magpapa-uto sa sariling mundo? (Hanggang, hanggang) Kailan ba 'ko magpapa-uto sa sariling mundo, oh-woah, oh, woah Kailan ba 'ko magpapa-uto sa sariling mundo?
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Adie