Paralumbay

Album cover art for "Paralumbay" by Adie

Adie - Pop, Ballad

Paralumbay

0 Plays

Duration: 7:23

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] 'Di ko alam kung saan ako nagkulang? 'Di ko alam Sinubukan balik-balikan Ang dating sayang alaala na lang 'Di kalaunan nahanap ang tahanan mo sa piling ng iba Hindi ba pangako mo noon na tayo lang? May dulo pala ang walang hanggan [Verse 2] Sumisilip lagi sa araw-araw ang mga araw kung saan Wala tayong pakialam sa ingay ng kapaligiran Musika lang natin ang papakinggan 'Yung dating atin, 'di na kaya ng panalangin Binubulong na lang sa hangin (Ang) Mga katagang mahal pa rin kita kahit meron ng iba Ano pa ba 'king magagawa? [Pre-Chorus] May dahilan pa ba para lumigaya? Kung sa piling niya ika'y masaya Ayoko na lang magsalita [Chorus] Oh, Paraluman, ba't ka lumisan? 'Di na kita maaring madala sa Paraiso, hmm Palagi ka niya, sanang ingatan 'Wag pagsawaan, 'wag ka ring pabayaan Isasayaw kita [Bridge] Himig ng tadhana Hindi na tugma Himig ng tadhana Hindi na tugma Himig ng tadhana Hindi na tumutugma Himig ng tadhana Hindi na tumutugma Himig ng tadhana Hindi na tumutugma, ah [Pre-Chorus] Pinapalaya na kita Tanggap ko na wala na talaga Sana lang 'di ka nangako ng Walang hanggang iyong tandaan [Chorus] Paraluman Sa'yong paglisan 'Di na kita Maaring madala sa paraiso Palagi ka niya sanang ingatan 'Wag pagsawaan, 'wag ka rin pabayaan Isasayaw kita Sa panaginip na lang nga Hmm, paalam na

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Adie