Wala Nang Kumakatok

Lyrics
[Verse 1] Babangon na para lang makahinga 'Di na alam ano pa ba ang halaga 'Di niyo ba napapansin Kung pa'no na 'ko tumingin? [Verse 2] Natutuyo na ang mga luha ko Bakit gan'to? Palaging bitbit ang mundo 'Di niyo ba papansinin Palaging magkukunwari? [Chorus] Tulong 'Di ko mahinto ang bulong Magdamag nang nakakulong Sa kwarto kong wala nang kumakatok Sana Liwanag ay makita muli Hangga't wala pa sa huli Bago mauwi sa pagsisisi [Verse 3] At tulala nanaman sa kawalan Namamanhid na ang buong katawan Ayoko nang bumangon pa Nabubulok na sa kama [Chorus] Tulong 'Di ko mahinto ang bulong Magdamag nang nakakulong Sa kwarto kong wala nang kumakatok Sana Liwanag ay makita muli Hangga't wala pa sa huli Bago mauwi sa pagsisisi [Outro] Heto na ang wakas 'Di kayang magbukas Ang lakas sa labas Buhay kong binutas Hihiga sa kama Isasara ang mata Buhay na nalanta Mag-isang tatawa Langit ay pumiglas Hangin ay hahampas Sa pintong Walang kumakatok [Instrumental]
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Zild