Isang Anghel

Lyrics
[Verse 1] Ang iyong mga mata ang aking nakikita Paligid ko ay sumaya, halika na at humimlay Ayoko munang mamatay Kahit na mahirap ang mabuhay nga sa lupa Pipiliin daigdig sa kahit anong planeta pa Mahalaga'y kasama ka [Chorus] Ayoko munang mamatay ngayon Ang buhay ko na matamlay noon Paligid ko ay nag-iba Noong natagpuan kita, sinta [Verse 2] Nakaraan o kay dilim, wala akong makita At no'ng ikaw ay dumating, wala nang hahanapin pa Ngiti palang sapat na nga Ano bang dahilan kung bakit ka ganyan? Kumikinang-kinang, wala nang babaguhin pa, ah Basta magpakatunay ka, ah [Chorus] Ayoko munang mamatay ngayon Ang buhay ko na matamlay noon Paligid ko ay nag-iba Noong natagpuan kita, sinta 'Di ko akalain na ikaw lang ang kailangan ko dito Para kang isang anghel na hindi pumapapel
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Sam Marquez
- Tim Marquez
- Zild