iiwan ng lahat

Lyrics
[Verse 1] Nasaan na ba kayo? Mag-isang tumatakbo Kay tagal 'di nagkita Puso niyong nawawala Sino ba naman ako Para balikan ninyo? Kaibigang nawala Dahan-dahang umalsa [Chorus] Bakit kaya Ayaw ng lahat sa'kin? Ramdam ko na Ako'y iiwanan ng lahat [Verse 2] Dapat ko bang tanggapin Mag-isang ililibing? Kahit may dalang bituin 'Di ka niyan papansinin Sabi ng kalangitan Habang-buhay kang ganiyan Iiwanan ka nila Kahit na maayos ka [Chorus] Bakit kaya Ayaw ng lahat sa'kin? Ramdam ko na Ako'y iiwanan ng lahat [Instrumental] ('Tinataboy ka na nila) (Wala ka nang makapitan) ('Tinataboy ka na nila) (Wala ka nang makapitan) [Spoken Outro] Ang dami kong gustong itanong Ang dami kong gustong sabihin Pero 'di ko masabi, 'di ko masabi sa inyo Parang ang layo-layo niyo na 'Di ko kayo maintindihan Lalong lalo, 'di niyo 'ko naiintindihan Paalam
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Zild