alalahanin

Lyrics
[Verse 1] Alalahanin Ang mga pangako Na aalagaan kita 'Di ko babawiin Ang iyong binilin "Anak, ayokong mapag-isa" Kung maglaho ang Mga alaala Hindi kita ipapahiya [Verse 2] Alalahanin Ang iyong hangarin Na hindi ako bibitaw At mananatiling Nakakapit sa'tin Hindi ko sasayangin ito Dadalhin ang ating Mga pinangarap Mapapagmalaki na kita [Chorus] 'Pag nanghina ang iyong katawan Aalayan ka sa bawat hakbang Kung paulit-ulit man magtanong Sasabihin ang sagot pabulong [Verse 3] Alalahanin Ang pinag-usapan Na tibayan aking loob 'Di kakalimutan Ang iyong sinabi "Anak, ayokong mauna ka" Sa kinabukasan May panghahawakan Hindi ka mababalewala [Chorus] 'Pag nanghina ang iyong katawan Aalayan ka sa bawat hakbang Kung paulit-ulit man magtanong Sasabihin ang sagot pabulong At pagsapit ng iyong pagtanda Gagawan kita ng bahay mo na Dati mo pa na ipinagdarasal Habang-buhay kang ipaparangal [Outro] Kahit saan Hindi kita iiwan Walang makakapantay sa 'yong mga binigay
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Zild