Bawat Daan

Lyrics
[Verse 1: Zephanie] Sa pagkumpas ng iyong kamay Aking landas, ginagabay Nag-iisang tiyak sa isang libong duda Silong sa iyak at pagluluksa [Refrain: Zephanie] Kung puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, gitna't simula Nahanap din kita Nahanap din kita, oh [Pre-Chorus: Zephanie] Maligaw man at mawala At umikot man sa kawalan Sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan [Chorus: Zephanie] Bawat kanan at kaliwa Kung timog man o hilaga Ang bawat daan ko Ay patungo, ay pabalik sa'yo [Verse 2: Both] Kay tagal nang lumulutang Walang pupuntahan, walang dahilan Parang ulap na, walang dalang ulan Kamang walang kumot at unan [Refrain: Both, Zephanie, Ebe Dancel] Bihag ako ng pagtataka May saysay ba ang paglalakbay ngunit Nahanap din kita (Kay tagal kong naghintay) Nahanap kita, oh-oh (Kay tagal kong naghintay) [Pre-Chorus: Both] Maligaw man at mawala O umikot man sa kawalan Dahil sa bawat kailan, sino't saan Ikaw lamang ang kasagutan [Chorus: Zephanie, Ebe Dancel, Both] Bawat kanan at kaliwa (Kay tagal kong naghintay) Kung timog man o hilaga (Kay tagal kong naghintay) Ang bawat daan ko Ay patungo, ay pabalik (Ay patungo, pabalik) sa'yo Oh, whoa, sa iyo, oh Ikaw ang dulo (Nagbabalik sa'yo) Oh, whoa, oh, whoa [Outro: Both, Zephanie, Ebe Dancel] Kung ang puso ko ay imamapa Ikaw ang dulo, ang gitna't simula Oh, woah, oh (Oh, whoa) Ikaw Ikaw (Ikaw)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ebe Dancel