Bukod Tangi

Lyrics
[Verse] Huwag kang mag-alala Hangad ko lamang ay ligaya sa'yo 'Di hahayaang mapahamak ka Puso mo'y aalagaan kahit lagi kang nakadepensa Dahan-dahan lang patutunayan sa'yo, mahal [Chorus] Kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga 'Di sapat ang mga salita Sa dati nang pagmamahal na sa'yo ilalaan 'Di maikukumpara Dahil ikaw ang natatangi Bukod tangi Ikaw ang natatangi Bukod-tangi [Instrumental] [Bridge] Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa Nandito lang ako Kahit malayo ka, sa'yo'y ipadadama Aalalayan kung madapa man Hawak-kamay, 'di kita bibitawan Aalalayan kung madapa man Hawak-kamay, 'di kita bibitawan [Chorus] Kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga 'Di sapat ang mga salita Sa dati nang pagmamahal na sa'yo ilalaan 'Di maikukumpara Dahil ikaw ang natatangi Bukod tangi Ikaw ang natatangi Bukod-tangi Dahil ikaw ang natatangi Bukod tangi Ikaw ang natatangi Bukod-tangi
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Natasha Correos