Medley: Hawak Kamay / Salamat Medley (Live)

Album cover art for "Medley: Hawak Kamay / Salamat Medley (Live)" by Yeng Constantino

Yeng Constantino - Pop, Live

Medley: Hawak Kamay / Salamat Medley (Live)

0 Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1: Hawak Kamay] Minsan madarama mo kay bigat ng problema Minsan mahihirapan ka at masasabing, "'Di ko na kaya" Tumingin ka lang sa langit Baka sakaling may masumpungan O 'di kaya ako'y tawagin Malalaman mong kahit kailan [Chorus: Hawak Kamay] Hawak kamay 'Di kita iiwan sa paglakbay Dito sa mundong walang katiyakan Hawak kamay 'Di kita bibitawan sa paglalakbay Sa mundo ng kawalan [Verse 2: Hawak Kamay] Minsan madarama mo Ang mundo'y gumuguho sa ilalim ng iyong mga paa At ang agos ng problema ay tinatangay ka Tumingin ka lang sa langit Baka sakaling may masumpungan Di kaya ako'y tawagin Malalaman mong kahit kailan [Chorus: Hawak Kamay] Hawak kamay 'Di kita iiwan sa paglakbay Dito sa mundong walang katiyakan Hawak kamay 'Di kita bibitawan sa paglalakbay Sa mundo ng kawalan [Bridge: Hawak Kamay] Huwag mong sabihin nag-iisa ka Laging isipin may makakasama Kasi narito ako, oh, narito ako [Verse 1: Salamat] Sana'y iyong marinig, tibok ng damdamin Ikaw ay mahalaga sa akin, ang awitin ko'y iyong dinggin At kung marinig ang panalangin Palagi kang naroroon, humihiling ng pagkakataon [Pre-Chorus: Salamat] Masabi ko sa'yo ng harapan Kung gaano kita kailangan [Chorus: Salamat] Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat [Bridge: Salamat] Ito na ang pagkakataon Walang masasayang na panahon, hey Mananatili ka sa puso ko kailanman Para sa'yo ako'y lalaban, ako'y lalaban [Chorus: Salamat] Ang awiting ito'y para sa'yo At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi Dahil iyong narinig mula sa labi ko Salamat, salamat Ang awiting ito'y para sa'yo (Yeah, yeah) At kung maubos ang tinig, 'di magsisisi (Yeah) Dahil iyong narinig mula sa labi ko (Salamat) Salamat, salamat

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Yeng Constantino