Jeepney Love Story

Lyrics
[Verse 1] Sumakay ako sa jeepney, ikaw ang nakatabi 'Di makapaniwala Parang may hiwagang nadama nang tumama sa'yo Ang aking mga mata At nagsiksikan na dahil tumigil ang jeepney Sa tapat ng eskuwela Biglang nagkadikit, puso ko'y biglang sumikip At natulala [Pre-Chorus] Sabi nila'y walang hiwaga Kung wala'y, ano itong nadarama? [Chorus] Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na, ah Ayoko nang pumara kahit sa'n pa lumiko Ayoko nang pumara sana 'di na huminto Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na, kung ikaw ang kasama Ah-ah, ah-ah-ah, ah Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah [Verse 2] At may biglang sumingit, natyempo pa sa'ting gitna Sumimangot tuloy ang aking mukha Mabuti nalang nagbayad yung ale Sabi nya, "Paabot naman" Nagkadahilan ako para ika'y tignan Nung iaabot ang bayad Kamay mo na palang nakaabang Pambihira di'ba? Ang swerte ko naman [Pre-Chorus] Sabi nila'y walang pag-ibig Kung wala'y, ba't kumakaba itong dibdib? [Chorus] Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na, ah-ah Ayoko nang pumara kahit sa'n pa lumiko Ayoko nang pumara sana 'di na huminto Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na, kung ikaw ang kasama [Bridge] Manong drayber, 'wag mo nang ibalik ang sukli ko Manong drayber, 'di mo ba alam walang babaan 'to? Drive lang po ng drive, 'wag niyong hihinto Kahit sa'n mapadpad, kahit lumipad pa tayo Minsan lang madama ang ganito [Pre-Chorus] Pero bigla mong hinila yung tali Sabi mo, "Manong bababa ako sandali" [Chorus] Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na, ah-ah Ayoko nang pumara kahit sa'n pa lumiko Ayoko nang pumara sana 'di na huminto Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na [Outro] Ayoko nang pumara kahit sa'n mapunta Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na, ah-ah Ayoko nang pumara kahit sa'n pa lumiko Ayoko nang pumara sana 'di na huminto Ayoko nang pumara, ayoko nang pumara Ayoko na, kung ikaw ang kasama Ah-ah, ah-ah-ah, ah Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah-ah-ah-ah-ah-ah Ah-ah-ah, ah-ah-ah, ah
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Yeng Constantino