Away-Bati

Lyrics
[Verse 1] Puro away, napapansin mo ba? Mamaya ngingiti, mamaya ngingiwi Puro tampuhan, walang katapusan Mamaya hihinto, 'di ka na kikibo 'Di naman sa sinasabing nagsasawa na Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba Kung ayos lang sa'yo ang ganito Sige na nga, magtitiis na lang ako [Chorus] Kasi nga mahal kita 'Di naman pwedeng sabihing ayaw ko na Kasi nga mahal kita, ha, ha [Verse 2] Konting masabi, naiinis agad Ako ba ang mali, oo ba o hindi? Sa buong araw, di pwedeng walang sigawan Ako na ang mali, laging nagtitimpi 'Di mo naman aamining kasalanan mo nga Nasasaktan na ako, hoy, ano ka ba Kung ayos lang sa'yo ang ganito Sige na nga, magtitiis na lang ako [Chorus] Kasi nga mahal kita 'Di naman pwedeng sabihing ayaw ko na Kasi nga mahal kita, ha, ha [Bridge] 'Di naman sa sinasabing nagsasawa na Ang akin lang naman pwedeng ayusin pa ba Kung bakit ba kasi ang daming pinagtatalunan Sige na nga, 'di naman kita kayang iwanan [Chorus] Kasi nga mahal kita 'Di naman pwedeng sabihing ayaw ko na Kasi nga mahal kita Ayoko lang ng ganito Sumasakit na ang ulo ko Away-bati tayo [Outro] Mahal kita Kaya 'di ko sasabihing ayoko na Kasi nga mahal kita Ayoko lang ng ganito Sumasakit na ang ulo ko Away-bati tayo, oh-oh, whoa Oh-oh, whoa
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Yeng Constantino