Kahit Na

Lyrics
[Intro] Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo [Verse 1] Naaalala ko pa dati nung una kang makita, 'di ba? Wala ka ngang kagwapuhan na maipakita Inaasar ka na kulang ka sa bitamina At mukha mo daw nasabugan pa ng dinamita Pero kahit na pangit ka Gustong-gusto ko pa rin na mapasakin ka Kahit mukha kang galit, sa akin happy ka Kahit parang 'di ka natatablan ng mahika [Chorus] Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot-dulot nito Hindi ka naman gwapo, macho 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo, oo Sabi ng barkada, 'wag na lang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo, oo [Verse 2] Baka walang mag-iba kung sinapak ka sa iyong mukha 'Pagkat parang tinapakan ka Baka sa galit ng Diyos, may kinalaman ka O nagmadali lamang Siya nung ginawa ka niya Pero kahit na pangit ka, akin ka Ikaw ang baterya sa puso ko na makina Kahit mukha kang paa, nakaka-loose ka At least ikaw yung tipong paa na naka-foot spa [Chorus] Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot-dulot nito Hindi ka naman gwapo, macho 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo, oo Sabi ng barkada, 'wag na lang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo, oo [Bridge] Kahit ano pang sabihin nila Malabo daw ang aking mata Alam ng pusong iibigin At ikaw ang para sa akin Sayang daw ang postura Kung ganyan ang itsura (Itsura) Alam ng pusong iibigin At ikaw ang para sa akin [Chorus] Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo (Nabulag sa mukhang paa) Hindi alam kung ano ba ang nagdudulot-dulot nito (Pero mahal kita) Hindi ka naman gwapo, macho 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y (Ang pangit mo) oo, oo (Ang chaka mo) Sabi ng barkada (Pake nila), 'wag na lang daw sana (Mahal kita) Ngunit sabi ng puso'y oo, oo [Outro] Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog, hulog sa'yo (Hoy, pangit, love you)
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Bojam