Doon

Album cover art for "Doon" by Ivy Violan

Ivy Violan - Pop, Philippines

Doon

0 Plays

Duration: 4:08

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Malayo pa ang doon Kay rami pang mga paghamon Ang tatahakin mo sa iyong landas Kaya't ipunin mo ang iyong lakas Habang taglay mo pa ang mithing wagas [Verse 2] Oh, kay haba pa ng daan Kung hanggang saa'y 'di mo alam Kaya't matuto kang magpunyagi Huwag mong itapon ang bawat sandali [Chorus] Harapin mo ang bawat pagsubok Na may tibay ang iyong loob Bawat maling hakbang noon Magsilbing aral buhat ngayon Bawat saglit ng buhay mo Gamitin mo'ng tama at wasto Kahit ang bukas 'di sasapit pa Maisigaw mo ang doon ay narating mo na [Verse 3] Ikaw, tulad ko ay mayroong doon Puhunan mo'y bawat ngayon Bago ito maging kahapon Salain mo ang panahon [Chorus] Harapin mo ang bawat pagsubok Na may tibay ang iyong loob Bawat maling hakbang noon Magsilbing aral buhat ngayon Bawat saglit ng buhay mo Gamitin mo'ng tama at wasto Kahit ang bukas 'di sasapit pa Maisigaw mo ang doon ay narating mo na [Outro] Maisigaw mo ang doon ay narating mo na

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Nonoy Tan