Kalaw

Lyrics
[Verse 1: Franz, Vince] Bigla kang nagpaalam sa dating tagpuan Tinapos mo na agad, do'n sa kalaw kung saan nagsimula ang lahat Humadlang ba ang tadhana? O kaya naman may nagawa? Ano bang dahilan? Sagutin mo sana baka meron pang paraan [Pre-Chorus: Sam, Franz] Sabay nating hiniling Sa mga bituwin na tayo pa rin Hanggang sa huli Ikaw ang pipiliin at ako ang 'yong iibigin [Chorus: Sam, Franz] Wala na ba tayong pag-asa? Kaya ba natin ipilit pa? Susukuan lang ba ang ating tadhana? Matutupad pa nga ba mga pinangarap? Wala na ba tayong pag-asa? Pwede ba nating subukan pa? Gagawin lahat ng aking makakaya Mapilit lang na tayo'y muling magkasama [Refrain: Franz] Ikaw at ako sa kalawakan Ikaw at ako sa kalawakan Ikaw at ako sa kalawakan Ikaw at ako sa kalaw [Verse 2: Vince, Patrick] Tanda ba mga araw? Sunduan sa may kalaw Laging inaabangan Nangingiti kapag ika'y natatanaw [Verse 3: Sam, Patrick, C13] Pagsakay pa lang ng kotse, amoy na ang pabango At ikukwento ng detalye kung kamusta araw mo Habang hinahaplos 'yong hita ng aking kanang kamay Hinding-hindi masasanay na wala ka na sa'king buhay Inaamin ko meron din akong kasalanan Minsan isip-batang 'di iniisip ang nararadaman mo Na dapat iningatan ko kahit alaala na lang Ramdam ko pa rin ang nawawalang presensya mo [Pre-Chorus: Sam, Franz] Sabay nating hiniling Sa mga bituwin na tayo pa rin Hanggang sa huli Ikaw ang pipiliin at ako ang 'yong iibigin [Chorus: Sam, Franz] Wala na ba tayong pag-asa? Kaya ba natin ipilit pa? Susukuan lang ba ang ating tadhana? Matutupad pa nga ba mga pinangarap? Wala na ba tayong pag-asa? Pwede ba nating subukan pa? Gagawin lahat ng aking makakaya Mapilit lang na tayo'y muling magkasama Wala na ba tayong pag-asa? Kaya ba natin ipilit pa? Susukuan lang ba ang ating tadhana? Matutupad pa nga ba mga pinangarap? Wala na ba tayong pag-asa? Pwede ba nating subukan pa? Gagawin lahat ng aking makakaya Mapilit lang na tayo'y muling magkasama [Coda: All] Ikaw at ako sa kalawakan Ikaw at ako sa kalawakan Ikaw at ako sa kalawakan Ikaw at ako sa kalaw
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Franz (VXON)
- Sam (VXON)
- Gabriel Tagadtad
- Tiny Corpuz