Sayaw Ng Mga Tala

Album cover art for "Sayaw Ng Mga Tala" by Vivoree

Vivoree - Pop, Filipino

Sayaw Ng Mga Tala

0 Plays

Duration: 4:43

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1: Vivoree] Lilipad, lilitaw Sumasabay ang 'yong damdamin sa galaw ng araw Suntok sa buwan ang nakaw na tingin Naghihintay kung ibabalik mo sa akin Ilang taon na ba kitang sinusundan? Naipon na ang isang daang liham At isang libong kanta Naririnig mo ba ang puso ko? Nakikita mo ba sa 'king mata na may gusto ako sa 'yo? [Chorus: Vivoree] Ikaw ang talang gustong abutin 'Di dahil ang tangkad mo rin Kundi dahil nakita ang buti ng puso mo Ang tipid mo sa tawa, ang gastos sa kunot-noo Ngunit ang tamis makita ng ngiting pilit mong tinatago Hinihintay bawat umaga, dala ang dobleng almusal Minsan naiinip, minsan diretso bisikleta Madalas 'di mo ako pinapansin Galit ka ba 'pag tutoring? Ngunit sa aking pag-iyak, ikaw lang din ang tatabi [Verse 2: Benedix Ramos] Lulubog, lilitaw Sa paglipas ng bawat araw, nandiyan ka pa rin Hinihintay mo bang dumilim? Ngunit tila dala mo ang araw at ang mga bituin Ilang palapag ang layo ng ating bahay Pati na rin ang ating pag-iisip 'Di ko maintindihan kung nag-iisip ka ba No'ng sinabi mong may gusto ka sa akin Ilang taon ko na 'yang napapansin [Chorus: Benedix Ramos] Ikaw ang liwanag na umaabot sa akin tuwing nagdidilim Pumasok ka sa buhay ko nang walang paumanhin Hangga't hinahanap-hanap ko ang iyong mga ngiti 'Di makatanggi sa lahat ng iyong hiling 'Di mo alam, tagos sa puso ko ang iyong bawat hikbi Gusto kitang tulungang pagtripan at minsan yakapin Inukit mo na ang iyong pangalan sa 'king pangarap At sa bawat hakbang, ang iyong kamay na ang kahawak [Bridge: Vivoree, Vivoree & Benedix Ramos] Kung nakikita mo ang nakikita ko 'Di ka magtatanong kung bakit 'di sumuko Kung nakikita mo ang nakikita ko 'Di magtatanong kung ba't ikaw ang pinili ko [Outro: Vivoree & Benedix Ramos] Ho, woah, oh, oh, woah, oh Ho, woah, oh, oh, woah, oh

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Danielle Balagtas