Unti-Unti

Lyrics
[Intro] Ooh-ooh-ooh Ah-ah, ah-ah, ah [Verse 1] Unti-unting naglalapit Ang ating mga mundo Pag-asa ay ating bitbit Maligaya't walang takot [Chorus] Ang saya at pagsinta'y tila walang kapantay Inaabangan ang bawat pagtagpo Walang mintis ang tuwa sa 'ting dalawa Hinamak ang lahat [Verse 2] Unti-unting nawawala Ang iyong mga salita Dahan-dahang naglalaho Ang lahat ng pangako Napapansing lumalayo Ang iyong tingin 'Di alam ang dapat kong gawin Hmm, tuluyan ka na bang mawawala sa 'kin? [Chrous] Ang tamis at aruga na laganap sa simula Ngayo'y nabaon na Sa puso't isip na mapait 'Di na maibabalik sa unang araw [Bridge] Ang pait at ang sakit na dati'y wala naman Ngayon ay hindi na mailagan Ang tanong na walang sagot Luha ang nadudulot sa ating mga mata [Verse 3] Hahanap-hanapin ang mga bulong sa gabi, hmm Ulit-ulitin ang bawat kuwento at sikreto natin Hanggang wala na ang luha sa puso ko Hanggang sa muli, tayo rin ang magtatagpo [Outro] Ooh-ooh-ooh Ah-ah, ah-ah, ah Ooh-ooh-ooh Ah-ah, ah-ah, ah Ooh-ooh-ooh Ah-ah, ah-ah, ah Ooh-ooh-ooh Ah-ah, ah-ah, ah
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Paul Yap
- Ean Mayor
- Carlos Tanada
- Armi Millare