Alalahaning Kalimutan

Lyrics
[Verse 1] Kay bilis ng takbo ng oras Kay dali ng paglipas ng panahon Parang kailan lang hawak-hawak mo ako 'Di namalayan ang iyong paglaho [Verse 2] Alam mo ba'ng iniwan mong gulo sa 'king isipan? Bakit bigla na lang lumisan at ika'y nang iwan? Ang bilis mong makalimot Sa lamig ako'y natakot Isa lang ang tanging gagawin ng puso ko Na ngayon ay nag-iisa [Chorus] Alalahaning kalimutan ka na Kahit 'di mo sinadya ngunit ito'y ginawa mo na 'Di akalaing dito mapupunta Biro lang pala tuwing sinasabi mong "mahal kita" Kaya ngayon aalalahanin kong kalimutan ka na [Verse 3] Alam mo bang iniwan mong gulo sa 'king isipan? Ano ba'ng kasalanan ko sayo't mga pagkukulang? Siguro'y pwede namang napag-usapan Hindi yung bigla-bigla na lang aalis at mang-iiwan [Chorus] Alalahaning kalimutan ka na Kahit 'di mo sinadya ngunit ito'y ginawa mo na 'Di akalaing dito mapupunta Biro lang pala tuwing sinasabi mong "mahal kita" Kaya alalahaning kalimutan ka na Kahit 'di mo sinadya ngunit ito'y ginawa mo na 'Di akalaing dito mapupunta Biro lang pala tuwing sinasabi mong "mahal kita" Kaya ngayon aalalahanin kong kalimutan ka na [Outro] Aalalahanin, kalimutan ka na
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Trisha Denise
- Jonathan Manalo