Kakaibabe

Album cover art for "Kakaibabe" by Donnalyn

Donnalyn - Pop, Rap

Kakaibabe

4.8K Plays

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Chorus] Swerte mo kung mapagbibigyan Ingatan mo ang pag-ibig ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe 'Pag natagpuan, 'wag pakawalan Minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe [Verse 1] Simple, walang arte, prenti lang siya lagi Pagkakasundo ng puso't utak niyo ay grabe Kayang sumabay sa trip ng inyong tropa Siya pa yatang makakatalo sa'yo sa Dota 'Di ka pahihirapang paakyatin ng ligaw Kahit ang kaya mong ipakain lang ay isaw 'Wag kang magkakamali na pag-isipan siya na cheap Wala lang talagang kaso sa kaniya kung mag-jeep Marunong maglaba kahit wala sa itsura 'Di na niya rin kailangan pang pumostura At kahit na kanino mo dalhin at pakilala Na-GGV ang lahat sa galing niya makisama 'Di na nanakal at 'di namumulis ng cellphone 'yan Pero magloko ka lang, lagot at mapepektusan Oo, magaling siya makipagbiruan Pero ang puso mo'y hinding-hindi paglalaruan [Chorus] Swerte mo kung mapagbibigyan Ingatan mo ang pag-ibig ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe 'Pag natagpuan, 'wag pakawalan Minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe [Verse 2] Simple lang pumorma pero swabe ang dating Sa lahat yata ng bagay, hanep, grabe ang galing Chic na mahinhin, 'di makabasag-pinggan Pero sa basketbol tambak, hindi ka papagbigyan 'Di na niya kailangan ng ga-ga-gayuma Para puso mo ay kanyang ma-ma-makuha 'Di rin siya 'yung tipo na babae na pan-trip lang Kung manloloko ka, mag-isip ka, please lang Ang ganda niya'y sapat Para mapakanta ka ng "Na sa'yo na ang lahat" Okay lang 'yan but siguro kulang ka sa talino Kung sa kaniya'y 'di tapat at kung inaakala mo Na madali siyang palitan, aba patunay 'to Na kailangan nang tabasan mga sungay mo Kung 'di, hindi siya nararapat sa buhay mo [Chorus] Swerte mo kung mapagbibigyan Ingatan mo ang pag-ibig ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe 'Pag natagpuan, 'wag pakawalan Minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe [Bridge] 'Di mo siya maririnig humingi ng tawad Mararamdaman mo na lang at magugulat At gagaan ang loob kaya siya ay walang katulad 'Di siya 'yung babae na masasabing tipikal Dahil mismo ang ugali at ganda sumatotal Ang buo niyang pagkatao ay higit sa pisikal [Chorus] Swerte mo kung mapagbibigyan Ingatan mo ang pag-ibig ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe 'Pag natagpuan, 'wag pakawalan Minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe Swerte mo kung mapagbibigyan Ingatan mo ang pag-ibig ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe 'Pag natagpuan, 'wag pakawalan Minsan lang makahanap ng isang Kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe, kakaibabe

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Donnalyn
  • Bojam
  • Thyro Alfaro