Magtiwala Ka Lang

Lyrics
[Verse 1] Aking mahal, ramdam ko ang 'yong mga pangamba 'Di alam kung sa'n dadalhin ng tadhana Magtiwala ka, pagsisikap mo'y magbubunga Tatagan mo lang ang 'yong loob, sa sarili'y maniwala [Pre-Chorus] At kung mapagod ay magpahinga May bukas pa para sa bagong pag-asa [Chorus 1] Halika't sa 'kin ay sumandal Mga pangamba mo ay sabihin mo lang Magbibigay muli sa'yo ng katiyakan Mga pangarap mo'y makakamit Magtiwala ka lang [Chorus 2] Halika't sa 'kin ay sumandal Yayakapin ka't hindi bibitaw Hawak-hawak ang iyong kamay Sabay nating haharapin Anumang pagsubok ang dumating Magtiwala ka lang [Verse 2] Aking mahal, alam ko ring ika'y nahihirapan Tila pasan mo ang mundo, napapagod nang lumaban Iyong tandaan, lahat ng iyan ay may hangganan Bawat balakid sa iyong daan ay malalampasan [Pre-Chorus] At kung mapagod ay magpahinga May bukas pa para sa bagong pag-asa [Chorus 1] Halika't sa 'kin ay sumandal (Sa piling mo ako'y sasandal) Mga pangamba mo ay sabihin mo lang (Sabihin mo sa 'kin) Magbibigay muli sa'yo ng katiyakan Mga pangarap mo'y makakamit Magtiwala ka lang [Chorus 2] Halika't sa 'kin ay sumandal (Sa piling mo ako'y sasandal) Yayakapin ka't hindi bibitaw (Hindi ako bibitaw) Hawak-hawak ang iyong kamay Sabay nating haharapin Anumang pagsubok ang dumating Magtiwala ka lang [Chorus 1] Halika't sa 'kin ay sumandal (Sa piling mo ako'y sasandal) Mga pangamba mo ay sabihin mo lang (Sabihin mo sa 'kin) Magbibigay muli sa'yo ng katiyakan Mga pangarap mo'y makakamit Magtiwala ka lang [Chorus 2] Halika't sa 'kin ay sumandal (Sa piling mo ako'y sasandal) Yayakapin ka't hindi bibitaw (Hindi ako bibitaw) Hawak-hawak ang iyong kamay Sabay nating haharapin Anumang pagsubok ang dumating Magtiwala ka lang
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Natasha Correos