Hid-Man

Lyrics
[Spoken] Mula sa pagiging basted Niloko, binestfriend, at ginamit Si Reginald ay isa nang superherong nagngangalang si Hid-Man! Ang Superherong Manhid! [Spoken] Hid-Man! Tulungan mo 'ko, Hid-Man! Ano'ng maitutulong ko, kaibigan? 'Yung nililigawan ko, five days na 'kong 'di nirereplyan Naka-Active Now naman Ano'ng gagawin ko, Hid-Man? [Spoken] Hmm Ah, gano'n ba? Walang problema 'yan Ako nga, e. Isang taon nang hindi nirereplyan Hindi nga sineen, e! [Spoken] Ang galing mo talaga, Hid-Man! Manhid na manhid ka talaga! Walang anuman. Paalam! [Spoken] Hid-Man! Sino ka? Ako si Heartbreak! Nakita ko 'yung girlfriend mo, may kasamang ibang lalaki Magka-holding hands sila O, e, ano naman ngayon? Saan sila nagpunta? Papunta sila sa Recto Ano nama'ng gagawin nila sa Recto? E, 'di, magchecheck-in sa motel Ano? Masakit ba? [Spoken] 'Wag kang magpatalo sa kaniya, Hid-Man! Naniniwala ako sa 'yo! Ang sakit, pero hindi dapat ako masaktan Kailangan kong labanan ang damdamin na 'to Dahil ako si Hid-Man! [Spoken] O, mga bata, laging tandaan Pagdating sa pag-ibig, matuto kang indahin ang sakit Matuto kang maging manhid, tulad ni Hid-Man! Ang Superherong Manhid! Hanggang sa muli! Paalam!
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Angelo Del Pilar
- Harlon Agsaoay