Makita Kang Muli

Lyrics
[Intro] Oh, oh-woah, oh-woah Oh, oh-woah, woah, woah [Verse 1] Bawat sandali ng aking buhay Pagmamahal mo ang aking taglay Sa'n man mapadpad ng hanging Hindi magbabago aking pagtingin [Pre-Chorus] Pangako natin sa Maykapal Na tayo lamang sa habang buhay Maghintay [Chorus] Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig Maghintay ka lamang, ako'y darating 'Pagkat sa isang taong mahal mo Nang buong puso, lahat ay gagawin Makita kang muli Makita kang muli Makita kang muli [Verse 2] Puso'y nagdurusa, nangungulila Iniisip ka 'pag nag-iisa Inaalala mga sandali Nang tayo ay magkapiling [Pre-Chorus] Ikaw ang gabay sa akin tuwina Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw Tanging ikaw [Chorus] Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig Maghintay ka lamang, ako'y darating 'Pagkat sa isang taong mahal mo Nang buong puso, lahat ay gagawin Makita kang muli Makita kang muli Makita kang muli
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Jimmy Antiporda
- Cymbee Antiporda