Overdrive

Lyrics
[Verse 1] Magda-drive ako hanggang Baguio Magda-drive ako hanggang Bicol Magda-drive ako hanggang Batangas Tapos magsu-swimming d'on sa beach [Verse 2] Isasama ko ang boyfriend ko Isasama ko kahit sinong may gusto Kahit may kasama s'yang aso Basta't meron s'yang baong sariling buto [Verse 3] Magdadala ako ng pagkain Burger, fries, tapsilog at siopao Magda-drive ako hanggang Visayas Magda-drive ako hanggang sa Mindanao [Verse 4] Magda-drive ako buong taon Magda-drive ako habang buhay Magda-drive ako hanggang buwan Please, please lang, turuan n'yo akong mag-drive [Chorus] Gusto kong matutong mag-drive (Kahit na wala ako'ng kotse) Gusto kong matutong mag-drive (Kahit na walang lisensiya) Mag-drive, drive Drive Mag-drive, mag-drive [Instrumental Outro]
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Ely Buendia