Habang Atin Ang Gabi

Lyrics
[Verse 1] Sumapit man, ang dilim Hindi mangangamba Magkakanlong sa dilim Hindi nag-iisa, dahil kapiling ka Ho-oh [Verse 2] Lumalim man ang gabi Hindi mahihimbing Aabangan ang buwan habang binibilang Ang mga bituin [Pre-Chorus] Ang luha at dahas ng nagdaang umaga Sa hamog ng gabi, tila naglaho na May luha at dahas sa darating na bukas Ngunit habang gabi, walang mababakas Ho, oh-oh [Chorus] Yakapin mo ako habang atin ang gabi Habang atin ang mundo [Bridge] [Non-Lyrical Vocals] [Verse 3] Paglipas ng magdamag Hindi malulumbay Dahil buong magdamag Tayong dal'wa sinta, nangarap nang sabay [Pre-Chorus] Ang luha at dahas ng nagdaang umaga Sa hamog ng gabi, tila naglaho na May luha at dahas sa darating na bukas Ngunit habang gabi, walang mababakas, ho [Pre-Chorus] Yakapin mo ako, habang atin ang gabi, ho Yakapin mo ako, habang atin ang mundo, oh [Outro] Yakapin mo ako, habang atin ang gabi Habang atin ang mundo
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Armando Lao
- Jay Durias