Pahamak Na Alak

Album cover art for "Pahamak Na Alak" by Singsing (PHL)

Singsing (PHL) - Pop, Folk

Pahamak Na Alak

0 Plays

Duration: 3:00

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Wala ka pa sa tamang gulang Upang sumabak na sa inuman 'Kala mo ba ay masaya Kapag ang tao'y lasing na [Pre-Chorus] Sa paglakad, pagewang-gewang Kahit saan ang tutunguhan Kadalasa'y nadarapa, nasaktan na, nabukulan pa At ang mukha'y pasa-pasa [Chorus] Pahamak na alak, walang dulot na kabutihan Panira pa sa kabataan Pahamak na alak, wala na ngang pakinabang Katuwiran pa'y winawasak-wasak [Verse 2] Umiikot, buong paligid Naninikip pa ang 'yong dibdib Masarap man ang pinulutan Iluluwa mo rin iyan [Pre-Chorus] Bata ka pa, o, kaibigan Paglalasing ay 'di aliwan Kadalasa'y nadarapa, nasaktan na, nabukulan pa At ang mukha'y pasa-pasa [Chorus] Pahamak na alak, kung nais mo ay kalusugan 'Yan ay iyong iiwasan Pahamak na alak, kung ayaw mo ng basag-ulo Ang awit ko ay dinggin mo Pahamak na alak, walang dulot na kabutihan Panira pa sa kabataan Pahamak na alak, wala na ngang pakinabang Katuwiran pa'y winawasak-wasak Pahamak na alak, kung nais mo ay kalusugan 'Yan ay iyong iiwasan Pahamak na alak, kung ayaw mo ng basag-ulo Ang awit ko ay dinggin mo, dinggin mo, dinggin mo

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Snaffu Rigor