Sa Hirap At Ginhawa

Album cover art for "Sa Hirap At Ginhawa" by Sharon Cuneta

Sharon Cuneta - Pop, OPM

Sa Hirap At Ginhawa

0 Plays

Duration: 3:44

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Paano mailalarawan ang pag-ibig kong wagas? Maipipinta pa ang damdaming 'di magwawakas Na bawat araw ay nagbabagong kulay Lalong nabubuhay [Pre-Chorus] Gaano karaming wika ang kakailanganin pa Upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta Damdaming kay ganda, dahil sa naro'n ka Laging sinasamba [Chorus] Kulang ba ang mahalin kita magpakailan pa man? Kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggan Lagi na ako'y kasama mo, matinik mang daan May sigla, maging sa hirap at ginhawa man [Verse 2] Batid ko, kalaban natin ang mundong mapang-api Mananatili kang lakas ko, araw at gabi Dito sa aking tabi, walang ikukubli Mahal kita kasi [Pre-Chorus] Gaano karaming wika ang kakailanganin pa Upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta? Damdaming kay ganda, dahil sa naro'n ka Laging sinasamba [Chorus] Kulang ba ang mahalin kita magpakainlan pa man? Kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggan Lagi na ako'y kasama mo sa ano mang daan May sigla, maging sa hirap at ginhawa ay laan, mahal kita Maging sa hirap at ginhawa man

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • George Canseco