Oras-Oras, Araw-Araw

Lyrics
[Verse 1] Bakit sa pag-ibig may nasasawi Sa tapat na pagmamahal Pait bang tamang sukli Bakit may ilan na kayang magtiis Oras-Oras, Araw-Araw Saan nga ika'y mawaglit [Verse 2] Sanggol bago isilang Kanya nang nadarama Kung may pagmamahal Ito nagdadala sa kanya, sa buhay ng lahat May iba't-ibang hangad Ngunit iisang kailangan Upang kaligayaha'y maging ganap [Pre-Chorus 1] At yan ay pag-ibig Oras-Oras, Araw-Araw Yan ang lakas na tunay sa buhay At kung sakaling mabigo at masaktan Ito'y 'di dahilan upang tuluyang magdamdam [Chorus 1] Kung pagmamahal Oras-Oras, Araw-Araw Ang kakapitan sa paglalakbay Ba't 'di subukang sarili'y pagbigyan Pag-ibig ang isama sa bawat hagdan [Verse 3] Tayong lahat ay liligaya lamang Kung may pagmamahal Oras-Oras, Araw-Araw 'Di mo malilimutan pagkabigong natamo Kung 'di mo hahayaan Maging lamang ng puso't isip mo [Pre-Chorus 2] At yan ay pag-ibig Oras-Oras, Araw-Araw Yan ang lakas na tunay sa buhay At kung sakaling mabigo at masaktan Ito'y 'di dahilan upang tuluyang magdamdam [Chorus 2] Kung pagmamahal Oras-Oras, Araw-Araw Ang kakapitan sa paglalakbay Ba't 'di limutin ang nakaraan Iyong isiping may bukas na sa'yo nakalaan at Oras-Oras, Araw-Araw... Ngingiti sa'yo ang buhay Kung may pagmamahal... Hooh... Oras-Oras, Araw-Araw...
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...