Kung Mahawi Man Ang Ulap

Lyrics
[Verse 1] Mahawi man ang ulap, 'di mo matitiyak Kung laging mayroong bughaw ka pang matatanaw At sa umaga't hapon ba'y may araw bang sisikat Sa gabi naman kaya'y may talang kikislap Habang sinasariwa dati mong mga pangarap [Chorus] Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan Muling buksan ang pusong bihag sa karimlan [Verse 2] Kayanin mong limutin luha ng nagdaan Ba't mo pa iisipin ang dating sumpaan? 'Sanlibo't 'sang kasawian, pasan mo habang buhay Kung 'di mo ngingitian dinanas na lumbay Ulap ay mahahawi kahit na paminsan-minsan [Chorus] Sundan ang bahaghari sa kanyang hangganan Baka doo'y sakaling ulap mo'y magpaalam At 'pag napawi na'ng sanhi ng kapanglawan [Outro] Muling buksan ang puso Muling sundan ang araw Hawiin mo ang ulap ngayon
Rate this song
0/5.0 - 0 Ratings
Loading comments...
Credits
- Writers
- Willy Cruz