Himala Ng Pag-Ibig

Album cover art for "Himala Ng Pag-Ibig" by Sharon Cuneta

Sharon Cuneta - Pop, OPM

Himala Ng Pag-Ibig

0 Plays

Duration: 4:58

View ArtistView Album

Lyrics

Language:

[Verse 1] Hindi nagkakaiba simula ng ating buhay Doon sa sulok ng daigdig na kapos sa kapalaran Ang bawat araw na nagdaan ay 'di malimutan Paghihirap ko'y madagdagan Mayroon pa bang ibang paraang mabuhay Ohhh hmm [Verse 2] Kaya sa iba't ibang landas ako ay napadpad Hangga't 'di ko nahahanap Ano o sinong mayroong kapangyarihang baguhin Kahit na lumipas at darating pang bukas [Verse 3] Minsan ako'y nakarinig Isang maamong tinig mula sa 'king dibdib Sabi niya "Kapag ngiti sa puso'y nagbalik Asahang mababago, kinagisnang daigdig." [Verse 4] Kapag ang puso mo'y natutong ngumiting muli Madarama'y pananabik bawat sandali Sakaling minsan pa sa 'yo dumaan ang kalungkutan Ang tangan mong pag-asa Ang iyong lakas patungo sa hinihintay na bukas Ohh ooh ooh [Verse 2] Kaya sa iba't ibang landas ako ay napadpad Hangga't 'di ko nahahanap Ano o sinong mayroong kapangyarihang baguhin Kahit na lumipas at darating pang bukas [Bridge] Nais ko lang ika'y tulungan Katotohanan ngayo'y matagpuan Matagpuan [Verse 5] Minsan ako'y nakarinig Isang maamong tinig mula sa 'king dibdib Sabi niya "Kapag ngiti sa puso'y nagbalik At may tiwala sa kapangyarihang taglay ng pag-ibig Asahan mong may himalang magaganap Sa buhay mo't daigdig."

Rate this song

Rate this song

0/5.0 - 0 Ratings

5
0.0% (0)
4
0.0% (0)
3
0.0% (0)
2
0.0% (0)
1
0.0% (0)

Loading comments...

Credits

Writers
  • Willy Cruz